Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2022

Olivia Newton-John, Cherrie Gil at Lydia De Vega

  Nakaka blues naman... Para sa aming mga bata noon, simple lang ang buhay. Pag gising, may hilamos o wala, gagayak ka na sa panaderya. Bibili ka ng pandesal at mantekilya, kahit pupungas pungas pa. Bawal ang bumangon ng tirik na ang araw, at ang huling gigising ang siyang magliligpit ng banig, kumot at mga unan. Dahil sabado, pwede ka makinig ng radyo o manood ng TV. Pwede ka rin magpatugtog ng plaka. Isa si Olivia Newton John sa nagpaantig ng puso ko noon. Nalungkot ako una kong marinig yung I Honestly Love You. Isa yun sa maraming kanta na nirecord ko sa tape. Kasi noon, kung wala kang pambili ng songhits, ite-tape mo yung mga kanta, at pau-lit-ulit mong pakikinggan hanggang sa makabisa mo. Markado yung boses ni Olivia kaya naman nung lumabas yun Hopelessly Devoted at iba pang kanta sa Grease, laking pasalamat ko at nagka plaka kami nun pati nung Xanadu.   May skating rink noon sa Luneta, swerte na napapasama ako sa mga ate ko noon. Tuwing tinutugtog iyun Xanadu, pakiramdam...