Skip to main content

Olivia Newton-John, Cherrie Gil at Lydia De Vega

 Nakaka blues naman...


Para sa aming mga bata noon, simple lang ang buhay. Pag gising, may hilamos o wala, gagayak ka na sa panaderya. Bibili ka ng pandesal at mantekilya, kahit pupungas pungas pa. Bawal ang bumangon ng tirik na ang araw, at ang huling gigising ang siyang magliligpit ng banig, kumot at mga unan.


Dahil sabado, pwede ka makinig ng radyo o manood ng TV. Pwede ka rin magpatugtog ng plaka. Isa si Olivia Newton John sa nagpaantig ng puso ko noon. Nalungkot ako una kong marinig yung I Honestly Love You. Isa yun sa maraming kanta na nirecord ko sa tape. Kasi noon, kung wala kang pambili ng songhits, ite-tape mo yung mga kanta, at pau-lit-ulit mong pakikinggan hanggang sa makabisa mo.


Markado yung boses ni Olivia kaya naman nung lumabas yun Hopelessly Devoted at iba pang kanta sa Grease, laking pasalamat ko at nagka plaka kami nun pati nung Xanadu. 


May skating rink noon sa Luneta, swerte na napapasama ako sa mga ate ko noon. Tuwing tinutugtog iyun Xanadu, pakiramdam ko napakagaling ko mag-skating. Kapag naman magpapatugtog kami ng plaka sa bahay, nakahalo na yung Xanadu at Let's Get physical sa playlist namin na sadyang halu-halo mula One way ticket hanggang Bohemian Rhapsody. Galit noon nanay namin kasi pinapatay sindi ko kung ilaw namin para kunwari ay nasa disco.


Marami pa akont hinangaang mga singers, hindi ko na nabalikan si Olivia Newton-John.  Bugsu
-bugso na lang yung “encounters” tulad nung makapanood ng Grease sa VHS at Laser disc. O nung magka google at Youtube pwede na hanapin yung mga peborit. 

***

Noon din kapag napagod sa sounds, manonood ng TV. Sa show ni German Moreno ko unang napanood si Cherrie Gil kumanta ng Boy. Sumikat rin sa radyo yung kanta. Gusto ko siya kasi parang ang saya niyang tao, hindi killjoy baga. Bago yung kontrabida roles niya, napanood ko siya sa Champoy. 


Kahit nasa mundo na ako ng telebisyon, hindi ko siya nakita o nakilala. Nung namatay siya, una kong hinanap yung kanta niya sa YouTube. At dahil doon, nalaman ko na cover pala iyun. Ang original ay Nail Clippers at Japanese yung original version nila. Tinapos ko yung parehong kanta. Nagbasa ng ilang write up tungkol sa kanya. Natuwa ako na may salinawit, at nalungkot din sa kwento niya.


***

Si Lydia De Vega naman nagka impact din sa akin dahil sa pagkapanalo niya sa SEA Games. Possible pala iyun- ang tumatak sa isip ko. Yung mga naging Laro namin noon pabillisan tumakbo poste-poste gang sa mauuwi sa moro-moro. Uuwi ka na pigtas ng yang sinelas mo. Dahil nasıra mo, lalagyan mo ng pako yung strap są ilalim para may stopper. Tapos kinabukasan, ikaw na lang yang magsasabi ng “ready, get set, go!” Hindi ka na rin mapipili sa moro-moro kasi alam na nila sira sinelas mo.


***


Sa mga taong sikat, iisipin siguro nila na nakalimutan na sila ng mga tao. Pero ang tutoo, nakahabi na yung mga nagawa nila sa kwento ng mga buhay buhay natin. Yung pagkamatay nila, binabalik naman tayo sa realidad. Cancer yung mga ikinamatay nila. Biruin mo na silang may access sa health care na matino ay hindi pinalagpas nung sakit. Dito lang sa bansa natin, apat daw ang namamatay ng cancer kada oras. Iyan ay 96 na katao araw-araw ang namamatay, Ang top 3 na cancer sa mga kababaihan ay cancer sa breast, cervix, at lungs. 


Nakakablues na namatay sila.  Nakaka blues na namatay sila sa kanser. Nakakablues na hanggang ngayon wala pa ring cure ang cancer. 


Comments

Popular posts from this blog

They Are Making A Come-back!!!

Whammos, jelly jooze, watchamacalliit, funwich, Tivoli ice cream, Eskimo pie, bubble cone pink with gumball at the bottom… I think i'd pass for a 90s kid.  :)  They said brands come and go, but I think brands, they fade because their most loyal customer base just grew up.  But, am sure the aging market will welcome with all their hearts and stomachs brands that will leave them nostalgic.   Like Whammos! Huwat?!!!!                                                              Whammos, a chocolate-filled cake slice that was a favorite of kids during the 90s, is back in the shelves.  Well, mostly you can find this chocolate fudge in 711 stores.  (This was first posted in the FB account July 9 this year :) ) Also making a comeback is Magnolia's twin popsies!!!!  The popsies come in orange and chocolate flavors!!

Magnolia Of My Childhood

When you buy Magnolia ice cream, you are reminded of your childhood…those times when a trip to Magnolia House means sharing a peach melba or a banana split with your brother or sister and “hating kapatid” means the older sibling will be getting the biggest portion for having the bigger stomach….when birthdays mean your parents are going to give away cups of ube, vanilla, or chocolate flavors to your classmates while they greet you in unison “happy birthday classmate, praise be Jesus and Mary!” and you feel like a star for a day…when mid-play you stop on the sound of that kuliling and run back to pester your nanay for a pinipig crunch, ice drops or those twin popsicles which you never ever got because they were expensive and for throwing a tantrum you have to fold all the clothes in the aparador…those times when you actually watched a TV ad curious to know the next flavor of the month... or when you saved money to buy a pint of your favorite flavor (mine was Choco Marble) then locked y