Wala daw atrocities nung martial law... talagang di mo makikita...KONTROLADO kasi ni MARCOS lahat ng MEDIA noon....kamag-anak o panyero niya ang mga bosschief sa MEDIA para yung mga PINATAY, NI-RAPE, INAGAWAN NG LUPA at KURAPSYON ma-censor na at hindi mai-report. Pero may isang grupo noon na naglakas loob ilabas lahat ng BAHO ng Marcos government...wala pang internet noon, at lahat ay in glorious mono pa…at sa gitna ng intimidation, libel case, at surveillance, sumuong silan g mga bylines lang sa madla...ni-label sila ni Macoy na Mosquito Press dahil para sa kanya isang lamok lang sila...maliit, walang magagawa at madali puksain...iyun ang akala niya. Nai-dokyu na ang kwento ng Mosquito Press…kasama ng iba pang dokyu sa SINE HENERASYON, ipapalabas ito ngayong Sabado sa Bantayog ng mga Bayani Auditorium, EDSA cor Quezon Ave. (1pm, 4pm 7pm)...sana mapanood mo, kasi isa sila sa dahilan kung bakit libre mong nasasabi ang gusto mo sa social media ngayon.