Namunga ang orkidyas namin sa wakas! Itinali namin ito sa puno ng santol noon. Ilang araw lang ay kumapit na ito sa katawan ng puno. Yun lang namunga ito halos magda-dalawang taon makalipas. Na flashback ako, noong nakita ko ng malapitan ang halaman. Noong mga bata kasi kami, parating may ganitong bulaklak kapag may ga-graduate o aakyat ng stage dahil tatanggap ng medalya. Corsage daw ang tawag doon. Nakalagay ito sa isang transparent na box at inilalagay ng nanay ko sa freezer para daw kinabukasan ay fresh pa. Tatlong ate ko ang nakaexperience ng corsage sa graduation. At tuwina, bago ilagay sa freezer ang box, hahawakan ko muna ito at susubukang amuyin ang mga siwang. Hanggang sa sawayin na ako ng nanay ko. Iyung ritwal lang na iyun, na-excite na ako sa idea na magkakaroon din ako ng ganoon pag oras ko na. Ang kaso noong graduation ko walang orkidyas. Wala kasi kaming pera noon. Kapali...