Namunga ang orkidyas namin sa wakas! Itinali namin ito sa puno ng santol
noon. Ilang araw lang ay kumapit na ito
sa katawan ng puno. Yun lang namunga ito
halos magda-dalawang taon makalipas.
Na flashback ako, noong nakita ko ng malapitan ang halaman. Noong mga bata kasi kami, parating may ganitong
bulaklak kapag may ga-graduate o aakyat ng stage dahil tatanggap ng
medalya. Corsage daw ang tawag doon.
Nakalagay ito sa isang transparent na box at inilalagay ng nanay ko sa freezer
para daw kinabukasan ay fresh pa.
Tatlong ate ko ang nakaexperience ng corsage sa
graduation. At tuwina, bago ilagay sa
freezer ang box, hahawakan ko muna ito at susubukang amuyin ang mga
siwang. Hanggang sa sawayin na ako ng
nanay ko. Iyung ritwal lang na
iyun, na-excite na ako sa idea na
magkakaroon din ako ng ganoon pag oras ko na.
Ang kaso noong graduation ko walang orkidyas. Wala kasi kaming pera noon. Kapalit ng orkidyas ay sampaguita. Yung parang kwintas na sinasabit sa mga
artista. Mas mabango naman, ok na rin.
Flashforwad to present time.
Ilang halamang orchids na rin ang nabili ko sa Centris. Pero ito lang ang namulaklak. Ang problema naman ngayon hindi ko naman alam
kung paano i-harvest :P
Comments
Post a Comment