Kung magka COVID ka at malala at sa public hospital magpapagamot, ito ang payo ko sa iyo base sa aking karanasan noong Abril 2021: 1. Masks-magdala at everyday magpalit ka. Sa ward, iba-iba ang makakasama mo, iba iba rin ang level ng Covid. Bukod sa iyo at sa ibang pasyente, para din ito sa kapakanan ng mga health workers na gagamot sa iyo. 2. Diatabs-kasi baka mag LBM ka at hindi ka na mabalikan ng nurse. Lalo kapag full capacity ang ospital. May oras lang ang pagbisita nila at sa dami ng pasyente may chance na makalimutan nila. Hind iyun sadya. 3. Vitamin C- para maka double dose kahit nasa ospital. Tulungan mo na rin sarili mo. 4. Skyflakes pero individually wrapped. Huwag iyun maramihan,Kasi isang bukas lang contaminated na lahat iyun. Sana yung may palaman na rin. In case late ang rasyonng pagkain. Pwede mo pa i-share sa ibang pasyente. 5. Table napkin or kitchen towel—huwag tissue kasi napakanipis nito. Madali masira ang Tisyu. Pero kung kitchen towel or table napkin, sapo laha...