Skip to main content

Tips if magka-COVID at maitakbo sa public hospital

Kung magka COVID ka at malala at sa public hospital magpapagamot, ito ang payo ko sa iyo base sa aking karanasan noong Abril 2021:


1. Masks-magdala at everyday magpalit ka. Sa ward, iba-iba ang makakasama mo, iba iba rin ang level ng Covid. Bukod sa iyo at sa ibang pasyente, para din ito sa kapakanan ng mga health workers na gagamot sa iyo.

2. Diatabs-kasi baka mag LBM ka at hindi ka na mabalikan ng nurse. Lalo kapag full capacity ang ospital. May oras lang ang pagbisita nila at sa dami ng pasyente may chance na makalimutan nila. Hind iyun sadya.
3. Vitamin C- para maka double dose kahit nasa ospital. Tulungan mo na rin sarili mo.

4. Skyflakes pero individually wrapped. Huwag iyun maramihan,Kasi isang bukas lang contaminated na lahat iyun. Sana yung may palaman na rin. In case late ang rasyonng pagkain. Pwede mo pa i-share sa ibang pasyente.

5. Table napkin or kitchen towel—huwag tissue kasi napakanipis nito. Madali masira ang Tisyu. Pero kung kitchen towel or table napkin, sapo lahat ng ubo, dahak at more ubo. maayos pang maitatapon. Ma-hihikayat din ang iba na hindi na dumahak at dumura sa basurahan kasi kawawa iyung maglilimas nito.

6. Disposable na pangkain o plastic spoon 7 Fork-May pagkain sa ospital at maayos at masarap naman ito. May plastic na kubyretos na kasama. Pero kung may nagpadala ng pagkain, mainam ito para hindi masira ang food. Itapon sa basurahan pagkatapos, lahat ng ginamit. Kahit generous ka no sharing, para sa kapakanan ng lahat.


7. Extra Bottled water-may bottled water sa ospital pero minsan mauubos mo kaagad or late darating ang rasyon.

8. Toiletries-sabon para sa iyong handwashing at kung anu ano pa. Posible naman ang maligo pero mabilisan kasi nakakahiya sa ibang pasyente.

9. Alcohol spray (at alcohol pang refill) bring your own alcohol. Importante ito lalo’t marami kayo sa kwarto, iisa lang ng banyo at mix ang ward. Maaari din itong hiramin ng mga medtechs kapag I xray ka.
10. Charger-because

11. Electric fan-kasi mainit, kung may extra fan doon, huwag mahiyang manghiram. If magdadala ka maganda iwan mo na rin doon para sa mga susunod na pasyente.


12. Kumot—Walang Kumot o unan sa public hospital.

13. Damit-yung presko at madaling isuot, kasi mainit sa ospital. Ang pamalit ay dapat dalawang lingo lalo ang underwear. Hindi kasi makakapaglaba dahil sa swero o IV, wala ring pagsasampayan.

14. Yakult- kung 10 araw ka na nag a-anti-biotics, patay na pati good bacteria mo.

15. Calamine o Clotrimazole (a.k.a. Canesten)- dahil mga 3 o apat na araw kang hirap tumayo o magpalit man lang ng damit, maligo, maghilamos, (Tandaan walang tutulong sa iyo kungdi ang sarili mo) tiyak magkakaroon ka ng skin irritations.

Do’s and don’t
Magpahinga at magpalakas. Mahirap matulog sa ospital pero possible. Yung lung exercise, gawin para lumakas agad ang baga.
Huwag magpanic. Sa loob ng iyong ward, maaari ka makita ng mga pasyenteng maiintubate o mamamatay, lalo kung walang separator na tela ang mga hospital beds o mix ang kaso sa ward. Meron ding tatalon sa bintana. Anuman rason nila, kalmahin mo sarili mo at isipin mong gagaling ka.
Makipag kapwa-tao. Makipagkumustahan. Hindi ka man sanay, makakabuti ito sa mental health mo at ng kapwa pasyente.

Unawain ang mga health workers. Kulang kulang pa rin mga PPE nila, yung iba sisinghap singhap na habang kinukuhaan ka ng BP. Yung iba naman, basang basa na ng pawis to a point na tutulo na parang bukas na gripo yung pawis nila kapag tumungo lang sila. Pero tuloy lang ang pag asikaso sa may sakit.
Huwag mo tiisin ang hindi dapat. Sakaling may mamatay sa iyong ward, paalalahanan ang mga health workers na takpan kung hindi agad makukuha ang labi ng isang pasyente. Kung lumipas na ang isang oras, at wala pa rin takip o hindi pa rin kinukuha, ipaalala muli. Huwag mo sundin yung kasabihan na ‘pagtiisan mo na lang dahil naka public hospital ka.’ Deserve ng buhay ang respeto ganun din nga mga patay.
Magpasalamat ka. Hind mo man nakikita yung doctor mo, ipaabot mo ang iyong pasasalamat. Pasalamatan mo rin lahat ng health workers na makakasalubong mo sa iyong paglabas.
Cheers to life!

Comments

Popular posts from this blog

They Are Making A Come-back!!!

Whammos, jelly jooze, watchamacalliit, funwich, Tivoli ice cream, Eskimo pie, bubble cone pink with gumball at the bottom… I think i'd pass for a 90s kid.  :)  They said brands come and go, but I think brands, they fade because their most loyal customer base just grew up.  But, am sure the aging market will welcome with all their hearts and stomachs brands that will leave them nostalgic.   Like Whammos! Huwat?!!!!                                                              Whammos, a chocolate-filled cake slice that was a favorite of kids during the 90s, is back in the shelves.  Well, mostly you can find this chocolate fudge in 711 stores.  (This was first posted in the FB account July 9 this year :) ) Also making a comeback is Magnolia's twin popsies!!!!  The popsies come in orange and c...

Magnolia Of My Childhood

When you buy Magnolia ice cream, you are reminded of your childhood…those times when a trip to Magnolia House means sharing a peach melba or a banana split with your brother or sister and “hating kapatid” means the older sibling will be getting the biggest portion for having the bigger stomach….when birthdays mean your parents are going to give away cups of ube, vanilla, or chocolate flavors to your classmates while they greet you in unison “happy birthday classmate, praise be Jesus and Mary!” and you feel like a star for a day…when mid-play you stop on the sound of that kuliling and run back to pester your nanay for a pinipig crunch, ice drops or those twin popsicles which you never ever got because they were expensive and for throwing a tantrum you have to fold all the clothes in the aparador…those times when you actually watched a TV ad curious to know the next flavor of the month... or when you saved money to buy a pint of your favorite flavor (mine was Choco Marble) then locked y...

Late bloomer

Namunga ang orkidyas namin sa wakas!   Itinali namin ito sa puno ng santol noon.   Ilang araw lang ay kumapit na ito sa katawan ng puno.   Yun lang namunga ito halos magda-dalawang taon makalipas.   Na flashback ako, noong nakita ko ng malapitan ang halaman.   Noong mga bata kasi kami, parating may ganitong bulaklak kapag may ga-graduate o aakyat ng stage dahil tatanggap ng medalya.   Corsage daw ang tawag doon. Nakalagay ito sa isang transparent na box at inilalagay ng nanay ko sa freezer para daw kinabukasan ay fresh pa. Tatlong ate ko ang nakaexperience ng corsage sa graduation.   At tuwina, bago ilagay sa freezer ang box, hahawakan ko muna ito at susubukang amuyin ang mga siwang.   Hanggang sa sawayin na ako ng nanay ko.   Iyung ritwal lang na iyun,   na-excite na ako sa idea na magkakaroon din ako ng ganoon pag oras ko na. Ang kaso noong graduation ko walang orkidyas.   Wala kasi kaming pera noon.   Kapali...