Skip to main content

Posts

Late bloomer

Namunga ang orkidyas namin sa wakas!   Itinali namin ito sa puno ng santol noon.   Ilang araw lang ay kumapit na ito sa katawan ng puno.   Yun lang namunga ito halos magda-dalawang taon makalipas.   Na flashback ako, noong nakita ko ng malapitan ang halaman.   Noong mga bata kasi kami, parating may ganitong bulaklak kapag may ga-graduate o aakyat ng stage dahil tatanggap ng medalya.   Corsage daw ang tawag doon. Nakalagay ito sa isang transparent na box at inilalagay ng nanay ko sa freezer para daw kinabukasan ay fresh pa. Tatlong ate ko ang nakaexperience ng corsage sa graduation.   At tuwina, bago ilagay sa freezer ang box, hahawakan ko muna ito at susubukang amuyin ang mga siwang.   Hanggang sa sawayin na ako ng nanay ko.   Iyung ritwal lang na iyun,   na-excite na ako sa idea na magkakaroon din ako ng ganoon pag oras ko na. Ang kaso noong graduation ko walang orkidyas.   Wala kasi kaming pera noon.   Kapali...

Portraits of Mosquito Press

Wala daw atrocities nung martial law... talagang di mo makikita...KONTROLADO kasi ni MARCOS lahat ng MEDIA noon....kamag-anak o panyero niya ang mga bosschief sa MEDIA para yung mga PINATAY, NI-RAPE, INAGAWAN NG LUPA at KURAPSYON ma-censor na at hindi mai-report.  Pero may isang grupo noon na naglakas loob ilabas lahat ng BAHO ng Marcos government...wala pang internet noon, at lahat ay in glorious mono pa…at sa gitna ng intimidation, libel case, at surveillance, sumuong silan g mga bylines lang sa madla...ni-label sila ni Macoy na Mosquito Press dahil para sa kanya isang lamok lang sila...maliit, walang magagawa at madali puksain...iyun ang akala niya. Nai-dokyu na ang kwento ng Mosquito Press…kasama ng iba pang dokyu sa SINE HENERASYON, ipapalabas ito ngayong Sabado sa Bantayog ng mga Bayani Auditorium, EDSA cor Quezon Ave. (1pm, 4pm 7pm)...sana mapanood mo, kasi isa sila sa dahilan kung bakit libre mong nasasabi ang gusto mo sa social media ngayon.